Ngayong araw na 'to hindi ako mag-iingles. Mas damang dama pag Tagalog at Pinoy na Pinoy.
Naknantipaklong! Napaaway ako kay ateng pinapalabahan ko sa kanto, dun sa laundry-han. Lumabas si Gabriela Silang! Isang linggo na nakakalipas ng nagpalaundry ko sa kanila, matagal ko ng kilala ung nasa laundry-han nung si lumang ate pa ung andun. Ni hindi ako nawawalan, ni kahit maliit na bimpo o spaghetti strap na blouse naibabalik sakin. Pagkakamali ko mashado akong nagtiwala. Na dahil dati di ako nawawalan kay ateng mabait, ganon na rin ang pakitungo ko sa bagong taga-laba. Ilang araw ko ding hindi nahalughog ung bulto ng plastik na pinaglalagyan na ng malilinis na damit. Buong tiwala ako na andun lahat ng pinalabhan ko. Eto na Lunes, kahapon samakatuwid. Inayos ko ang mga damit sa cabinet at tinanggal ang natitira sa plastik.
Walanjo! Yung blazer na ginamit kong pangginaw nung araw na yun, nandun. Samantalang yung bagong bestida na kabibili ko lang galing online shopping, maganda, black and white, bago... WALA!
Pag tinamaan ka nga naman ng malas o. Suskoooo! Isa pang malupit e pabalang sumagot. Siya pa ang galit. Naknangarmpit! Naubos ang pisi ko samakatuwid at shempre, lumabas ang matalim kong dila. Siguro nagulat siya dahil tahimik akong lumapit, nakakapanting ng tenga ang mga walang habas at walang kwentang katwiran at depensa na wala sa lugar.
Kinuha ko ang numero ng amo nya at pangalan. Bukas kaming dalawa ang magtutuos. Wala akong pakialam kung lalaki at kung sino pa siya, bastos ang tauhan nya at isa pa nakawala sila ng damit ng customer.
Hindi ba't isang malumanay na paumanhin ay ayos na? Hindi ko naman sinabing palitan nila, e nawala na nga e. Bwiset!
P.S. Pero mas mahusay kung babayaran nila. Grrrr!
No comments:
Post a Comment